𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | LPC pinagkalooban ng mga babasahing pangwika ng KWF
Date Posted: Mar. 04, 2026
Bilang bahagi ng pagtatalaga sa Limay Polytechnic College (LPC) bilang Sentro ng Wika at Kultura, ipinagkaloob ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga babasahing pangwika na magsisilbing gabay at lunsaran sa pagbuo ng mga gawain, plano, programa at patakarang pangwika.
Ito rin ay maaaring gamitin bilang batayan at lunsaran ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino mula sa LPC, habang ang ilan ay ilalagak sa tanggapan ng sentro o silid-aklatan ng institusyon.
Kabilang sa mga materyal na natanggap ng LPC ay ang mapa, mga polyeto at babasahin, gabay-polisiya, diksyunaryo at mga aklat pangwika.
Bilang bahagi ng mga programang pangwika na isinusulong ng LPC, kasalukuyan itong bumubuo ng mga pag-aaral pangwika at pangkultura, mga sangguniang aklat, kagamitang pangwika at dyornal pangwika.
Ang sipi ng mga ito ay ibabahagi sa Komisyon bilang pakikiisa sa adhikaing maitaguyod at mapaunlad ang wikang Filipino. #
#SDG4QualityEducation
#SDG17PartnershipsForTheGoals