LPC Stories



π—Ÿπ—œπ—§π—˜π—₯𝗔π—₯π—œ | Apatnapung taon na ang lumipas

Tap to View

π—Ÿπ—œπ—§π—˜π—₯𝗔π—₯π—œ | Apatnapung taon na ang lumipas

Date Posted: Feb. 25, 2026

Apatnapung taon na ang lumipas na may dalang pag-asa,
Mga Pilipino’y tumindig at tinig na β€˜di na muling nawala sa alaala,
Sa lansangan, ang tapang ay umusbong mula sa puso ng masa,
At ang takot ay napawi ng liwanag na sabay-sabay nilang inalala.

Apatnapung taon na ang lumipas mula sa dilim ng kahapon,
Napalitan ng liwanag na sumikat sa bagong hamon,
Walang armas kundi paninindigan ang kanilang naging baon,
Upang ang kalayaan ay muling yakapin sa pagbangon ng ngayon.

Nawa’y manatili ang diwa ng EDSA sa puso ng sambayanan,
Maningning na gabay sa bawat kabataang may paninindigan,
Ang apoy na maglalagablab sa bawat yugto ng kasaysayan,
Patunay na ang lakas ng bayan ay nagmumula sa pagkakaisa ng mamamayan.

*****

Dibuho ni Ronalyn Ortea

#SDG4QualityEducation
#SDG16PeaceJusticeAndStrongInstitutions